Kinakiligan ng kani-kanilang mga tagahanga ang caption ni Kapuso actor Rayver Cruz para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose, matapos niya itong tawaging 'my everyday inspiration'.

"Happiest birthday to the one and only Asia’s limitless star and my everyday inspiration," saad ni Rayver sa kaniyang Instagram post nitong Mayo 17, 2022.

View this post on Instagram

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

Tsika at Intriga

4th Impact pumalag na sinabi raw nilang sila ang Blackpink ng Pinas, nilait ang BINI

Napakomento rito ang mga kaibigan at kasamahan nilang celebrities gaya nina Alex Gonzaga, DJ Chacha, Kakai Bautista, Jak Roberto, Jason Abalos, Jessica Villarubin, EA Guzman, at ang kapatid ni Rayver Cruz na si Rodjun Cruz.

Napansin naman ng mga netizen sa isa sa mga litrato na magkakasama in one frame ang mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina at sina Rayver at Julie Anne. Ibig daw bang sabihin nito ay 'couple' na talaga in real life ang magkatambal?

Mas lalo pang kinakiligan ng mga netizen nang maispatang nagpasalamat si Julie Anne sa birthday message ni Rayver.

"Thank you @rayvercruz, iykyk," saad ni Julie Anne.

Tumugon naman dito si Rayver ng simpleng emoji na may kiss.

Tanong ng marami, ano ba ang ibig sabihin ng abbreviation na 'IYKYK' na ginagamit din ngayon sa TikTok?

Marami kasi ang umaasam na sana raw ay mauwi sa totohanan ang kanilang tambalan lalo't malakas umano ang chemistry nilang dalawa.

May isang netizen naman na nagsabing ang ibig sabihin daw nito ay 'I Love You Know You Know'.

Ayon sa diksiyonaryo, ang ibig sabihin ng 'IYKYK' ay 'If you know, you know.'

"This acronym implies that a post or message will make sense to some people and make no sense to others," paliwanag pa.

Titulo rin ito ng awitin ng international group na 'Elevation Rhythm'.

Maging ang showbiz columnist na si Lolit Solis ay kilig na kilig din sa kanilang dalawa. Bagay na bagay raw sila at sana raw ay mabigyan sila ng sariling serye.

Anyway, naging star-studded ang birthday celebration ni Julie Anne na 28 anyos na.

Matatandaang nagpaabot din ng birthday greeting ang ex-jowa naman ni Rayver na si Janine Gutierrez sa kaniyang on-screen partner na si Paulo Avelino.