Makararanasng pag-ulan ang mga lugar sa kanlurang Luzon, kabilang na ang Metro Manila, dahil na rin sa nalalapit na rainy season, ayon sa pahayag nitong Miyerkules ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni weather specialist Robert Badrina ng PAGASA, simula ngayong hapon hanggang gabi ay inaasahang makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan sa western section ng Luzon.

"Nakikita po natin in the coming days, patuloy nating mararanasan ang mga pag-ulan dahil papasok na tayo dito sa tinatawag na onset o pagsisimula ng panahon ng tag-ulan," sabi nito sa panayam sa telebisyon nitong Mayo 18.

Madalas aniyangmaranasan ang pagsisimula ng tag-ulan sa mga lugar na nasa ilalim ng Climate 1 na pawang matatagpuan sa western part ng Luzon.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Ang rainy season aniya ay nagsisimula sa pagitan ng ikatlong linggo ng Mayo hanggang ikalawang linggo ng Hunyo.

Noong 2021, idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan noong Hunyo 4.

Sa kabila nito, binanggit ni Badrina na wala pa silang namamataang anumang sama ng panahon sa Philippine area of responsibility