Agad na kumambyo at humingi ng dispensa ang isang lalaking netizen na nag-post at nagsabing dalangin niyang huwag nang bumalik sa Pilipinas si Vice President Leni Robredo at bumagsak sana ang sinasakyan nitong eroplano.

Batay sa profile photo nitong kulay pula, ipinagpapalagay na isa itong BBM supporter mula sa Mandaue City.

"Wag ka na bumalik sa Pilipinas Leni… Sana bumagsak yung airplane na sinasakyan mo… Ipagdadasal ko talaga 'yun na bumagsak (tatlong red heart emojis) amen," aniya.

Komento niya ito sa isang Facebook post na nagpapakita ng dagsa ng tao sa naganap na campaign rally ng mga Kakampink sa Cebu sortie.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sa kaniyang latest Facebook post ay agad na humingi ng dispensa ang naturang netizen kay VP Leni.

"Magandang Gabi po Ma'am VP Leni Robredo," panimula ng kaniyang post.

"Ako po ay humihingi ng patawad sa nagawang kasalanan ko nakabitaw ako ng masakit na salita sa iyo," pahayag nito.

"Ako ay nadala lang sa aking galit, hindi ko po napigilan ang emosyon ko. Tao din po ako nagkakamali, agad naman pong na-delete."

"Hindi ko lang po talaga napigilan ang galit ko sa mga nakikita ko na nagrarally…"

"Sana po mapatawad mo po ako!" aniya.

Screengrab mula sa FB

Batay naman sa mga Instagram story ni VP Leni ay maayos naman ang naging flight nilang tatlo ng mga anak patungong Amerika para sa graduation ni Jillian. Sa katunayan ay ineenjoy nila ang bonding moments nila sa New York.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/vp-leni-ibinahagi-ang-pamamalantsa-ng-toga-atbp-habang-day-1-sa-new-york/">https://balita.net.ph/2022/05/16/vp-leni-ibinahagi-ang-pamamalantsa-ng-toga-atbp-habang-day-1-sa-new-york/

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon dito ang kampo ni VP Leni. Hindi na mahagilap ang Facebook account ng naturang basher.