Sa Davao City napiling gawin ni Vice President-elect Sara Duterte ang kanyang inagurasyon sa darating na Hunyo 19, ayon sa kanyang tagapagsalita.

“While VP-elect Sara will take her oath on June 19, she will formally assume the Office of the Vice President and begin her term at noon of June 30, as ordained by the 1987 Philippine Constitution,” mababasa sa pahayag ni Liloan Mayor Christina Garcia Frasco Frasco, Miyerkules, Mayo 18.

Ang inagurasyon ay magiging thanksgiving din aniya ni Duterte sa mga kababayan sa Davao City at sa buong Mindanao na naging saksi sa kanyang karera sa pulitika.

“In holding the inauguration on June 19, VP-elect Sara will be able to attend the subsequent inauguration of President-elect Bongbong Marcos so she may also join him in thanksgiving for the overwhelming support of the Filipino people,” sabi ni Frasco.

Nauna nang nagpahayag ang Commission on Elections (Comelec) na wala silang nakikitang problema sa pasya ni Duterte na magkasa ng maagang inagurasyon.

Sa Duterte ang ika-15 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.