Kaugnay ng bintang ng isang piloto tungkol sa espesyal na hiling umano ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo na gawing priyoridad ang kaniyang flight sa kasagsagan ng kampanya noong Abril, mukhang iiwasan at hindi muna sasakay ang batikang actor-TV host na si Edu Manzano sa kahit na alinmang eroplano ng Cebu Pacific Air.
Naging sunod-sunod ang tweets at retweets ni Edu tungko dito.
"I’m calling for @CebuPacificAir to fire that pilot who made up a story on the VP. What does that act make him as a person? As a Cebu Pacific pilot? What a horrible human being. All for what? A chance to make the VP look bad? At the expense of his employer? Kaloka," retweet ni Edu mula sa isang netizen.
Nagbigay naman ng susog na reaksiyon dito ang actor-TV host.
"Has he had a psych test? Should he still be allowed to fly?"
Isang netizen naman ang nagtanong sa kaniya. "Ikaw ba, Chairman @realedumanzano sasakay pag ganyan ang piloto?"
"No way! Seriously, he should be tested. It’s not a joke. I have a family!" tugon naman ni Edu.
Sinang-ayunan naman ng ama ni Luis Manzano na habang hindi pa nareresolba ang isyu, hindi ligtas na sumakay sa alinmang eroplano ng naturang kompanya.
"I have to agree! What is his state of mind? I will definitely not fly #CebuPAC until they have addressed the issue," aniya.
"More than that you worry about his state of mind. Will never trust my family in his hands," reaksiyon naman niya sa isang niretweet na post na ang sabi ay "That pilot was supposedly a professional but he still managed to spread #FakeNews. Is this the average mindset of Leni haters?!"
Samantala, humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Cebu Pacific Air kay VP Leni hinggil sa akusasyon ng naturang piloto laban sa kaniya.
Sa panibagong pahayag nitong Martes, Mayo 17, kinumpirma ni Captain Sam Avila, Vice President for Flight Operations, na walang basehan ang akusasyon ng sangkot na piloto kay Robredo.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/17/cebu-pacific-air-humingi-ng-paumanhin-kay-vp-robredo-sangkot-na-piloto-parurusahan/">https://balita.net.ph/2022/05/17/cebu-pacific-air-humingi-ng-paumanhin-kay-vp-robredo-sangkot-na-piloto-parurusahan/
Nangako rin ang kompanya na bibigyan ng karampatang disciplinary action ang naturang piloto. Habang iginagalang umano ng kompanya ang kalayaan sa pagpapahayag ay sakop pa rin ng Data Privacy Act of 2012 at Code of Discipline ang nasabing piloto, anang Cebu Pacific Air.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/cebu-pacific-air-aaksyunan-ang-piloto-na-naglabas-ng-akusasyon-vs-robredo/">https://balita.net.ph/2022/05/16/cebu-pacific-air-aaksyunan-ang-piloto-na-naglabas-ng-akusasyon-vs-robredo/