Nakilala sa kanyang mga kuhang umani ng kabi-kabilang pagkilala sa buong mundo, kahit walang college degree ay nakuha ng Pinay scholar na si Xyza Cruz Bacani ang kanyang master’s degree sa prestihiyusong New York University (NYU).
“I am a graduate of Masters in Arts and Politics at New York University. Even without a college degree, NYU took a chance on me. I am a scholar and grateful to people who paved the way for me to dream, who saw my potential and extended their generosity. I am in awe of your beauty and grace. I am grateful to my mama and papa, who taught me kindness and grit,” mababasa sa Facebook post ni Bacani, Miyerkules.
Binagyang-pugay din ni Bacani ang kanyang mga ninuno na aniya’y hindi nag-iwan ng bakas maliban sa siklo ng kahirapan na kaniyang nakagisnan.
“I am an ancestor. As a storyteller in today's world of uncertainty, I need to see myself as an ancestor rather than a descendant. It helps me make better decisions. I honor my ancestors by becoming one,” malalim na hugot ng maniniyot.
Tubong Bambang, Nueva Viscaya si Bacani bago inako ang pagsusustento sa edukasyon ng kanyang mga kapatid.
“I am an artist. I always have been and always will be an artist in service because I am not my circumstances,” dagdag niya.
Ang lente ni Bacani ay karaniwang nakatuon sa mga istoryang hindi kadalasan nabibigyan ng sapat na atensyon.
Bilang dating overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong sa loob ng isang dekada, naging malaking bahagi ng kanyang makulay na karera ang maging tagapagsalaysay sa mga istorya kaugnay ng labor migration at human rights.
Sa husay ng mga pitik ni Bacani, humakot na ang kanyang mga likha ng mga pagkilala mula sa ilang prestihiyusong award-giving bodies sa mundo kabilang ang British Broadcasting Corporation (BBC), Forbes, Pulitzer Center bukod sa iba pa.