Tuluyan nang naiproklama nitong Miyerkules, ang 12 na senador na nanalo nitong nakaraang May 9 national elections.
Ito ang kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na nagsisilbi bilang National Board of Canvassers (NBOC).
Sa pahayag ng Comelec, karamihan sa mga ito ay re-electionist at ang iba naman ay bago lang.
Magsisimula ang termino ng mga ito sa Hunyo 30 at matatapos sa Hunyo 30, 2028.'
Kabilang sa mga naiproklama sina Robin Padilla, Loren Legarda,Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Chiz Escudero, Mark Villar, Alan Peter Cayetano, Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, JV Ejercito, Risa Hontiveros, at Jinggoy Estrada.
Tanging si Hontiveros lamang ang taga-oposisyon na nakakuha ng puwesto sa Senado.
Kaagad namang binati ngMalacañangang 12 na senador kung saan kumpiyansa si acting spokesman Communications Secretary Martin Andanar may inaasahang pag-asa ang taumbayan sa pagkakahalal ng mga bagong miyembro ng Senado.
"It is now time to move forward after a divisive election campaign and begin the daunting task of speeding up our economic recovery affected by the COVID-19 pandemic," paliwanag pa ni Andanar.