Umapela si Senator-elect Francis Joseph “Chiz” Escudero sa mga Pilipino nitong Miyerkoles, Mayo 18, na kalimutan ang kani-kanilang political biases sa nagdaang halalan at magsimulang makipagtulungan para sa ikabubuti ng bansa.
Si Escudero, na tumakbo sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC), ay iprinoklama bilang senador ng Pilipinas matapos masungkit ang ikalimang puwesto sa katatapos na pambansang botohan. Nakakuha siya ng 20,271,458 boto.
“Isa ito sa mga naging pinakamainit na halalan kumpara sa mga nagdaang taon. Mainit dahil maraming mga magkapitbahay, magkatrabaho, magkamag anak na nagaway, nag-unfriend at nag-unfollow dahil lamang iba’t ibang kulay ang kanilang dinadala kaugnay sa halalang ito,” ani Escudero sa kanyang talumpati.
““Ang akin pong hiling, sana mula sa araw na ito, magsimula na ang paghilom,” dagdag niya.
Sinabi niya na sa halip ay dapat ipagmalaki ng mga Pilipino ang mga kulay ng watawat ng Pilipinas – pula, asul, puti, at dilaw – bilang simbolo ng pagkakaisa.
Martin Sadongdong