Halos mawindang ang isang motoristang nagngangalang Warren Labadan nang walang ano-ano'y maraanan niya ang isang tila 'White Lady' habang nakasakay sa motorsiklo at binabaybay ang highway sa Puan Davao City noong Biyernes ng gabi, Mayo 13, 2022.

Ayon sa Facebook post ni Labadan, mga lagpas 10PM ay pauwi na sana siya nang maispatan niya ang isang tila nakaputing bagay na palutang-lutang sa gitna ng kalsada sa bypass road na nasa harapan naman ng Reldo Village. Nagkataon pang 'Friday the 13th' pa noon na pinaniniwalaang malas na araw.

Lifehacks

Socmed personality sa mga bata: 'Adulthood is not fun'

Nakahinga siya nang maluwag nang mapag-alamang hindi ito multo kundi isang puting cellophane na nakasabit sa kable ng kuryente.Kung titingnan kasi mula sa malayo, mapagkakamalan nga naman itong multo.

Nilagyan daw ng cellophane ng di nakilalang residente ang kable ng kuryente na nakabitin sa gitna ng kalsada upang hindi maka-aksidente. Nakadulot na raw kasi ng aksidente sa dalawang motorista ang mga naturang kable ng kuryente. Sana raw ay maayos na ang naturang kable upang hindi na magdulot ng kaba o sindak ang nakasabit na puting cellophane.