May kabuuang 500 estudyante sa Las Piñas ang nabakunahan laban sa cervical cancer nitong Miyerkules, Mayo 18, pagbabahagi ni Mayor Imelda Aguilar.

Sinabi ni Aguilar na ang mga mag-aaral sa Grade 7 mula sa Las Piñas National High School na may edad 12 hanggang 13 taong gulang ay nabigyan ng libreng Human Papilloma Virus (HPV) vaccine upang maprotektahan ang mga ito sa cervical cancer.

Sa aktibidad, ang JCI Water Lilly, isang non-profit na organisasyon, ay namahagi rin ng mga food pack sa mga mag-aaral na lumahok sa programa sa school main campus mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

Sinabi ng alkalde na ang libreng pagbabakuna ay isinagawa bilang pagdiriwang ng Cervical Cancer Awareness Month.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ang programa ay ginawa sa pakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) na nagbigay ng HPV vaccines, Las Piñas- Department of Education (DepEd), at City Health Office (CHO).

Sinabi rin ni Aguilar na tinulungan ng mga nars ng paaralan ang pangkat ng CHO sa pagbibigay ng bakuna sa HPV.

Jean Fernando