Umabot na lang sa 103 ang panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa nitong Miyerkules, Mayo 18.

Ito ay batay na rin sa pahayag ng Department of Health (DOH) at sinasabing ang nabanggit na bilang ang pinakamababang naiatala simula noongn April 2020.

Sa kabuuan, umabot na sa 3,688,100 ang kaso ng sakit sa bansa, ayon sa DOH.

Bukod dito, nakapagtala rin ang DOH ng 2,241 na aktibong kaso na pinakamababang bilang ngayong taon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa naturang bilang, 3,625,407 na ang nakarekober sa sakit habang aabot pa rin sa 60,452 ang bilang ng binawian ng buhay.

Sa nakalipas na dalawang linggo, natukoy din ng DOH ang National Capital Region, Region 4-A at Region 3 na may mataas na kaso ng sakit.

Kaugnay nito, inihayag din ng DOH na aabot na sa 17 kaso ng Omicron sub-variant BA.2.12.1 ang natuklasan sa bansa--dalawa sa Metro Manila, 12 sa Puerto Princesa at tatlo sa Western Visayas.