Isang malaking problemang kinakarap ng kinakaharap ng kinauukulan matapos ang eleksyon ang sandamakmak na campaign materials.

Sa likod ng problemang ito, dito rin nagsimula ang proyekto ni Mara Chua, isang fashion artist, na gawing bags ang mga tarpaulin ng mga kandidato ng nakaraang eleksyon.

Ani Mara, nakita niya sa Twitter ang isang 'kakampink' o taga-suporta ni Bise Presidente Leni Robredo, na nagbigay ng suhestyong gawing bags ang tarps.

Sinimulan niya ito sa pamamagitan ng mga tarpaulin na mismong nasa kanilang gate. Ginawa niya ito upang ibaling na lamang atensyon niya sa ibang bagay gayong hindi niya ikinatuwa ang naging resulta ng eleksyon.

Human-Interest

WFH employee, nagbigay-pugay sa supportive niyang ina: 'Dahil pala sa kaniya...'

"I decided to upcycle the ones we have in display sa gate namin day after the election to realign my energy and focus it into making something worth while," ani Mara."

"I wanted to transform my pent up disappointment and grief into something beneficial which is what VP Leni would most likely do herself," dagdag pa niya.

Pumatok sa publiko ang kanyang proyekto dahil hindi lamang campaign materials ng kanyang sinusuportahan niyang kandidato ang ginagawa niyang bag kundi maging ng mga katunggali nito.

Ang mga natapos na nilang bags ay kanilang ibinabahagi sa malilit na komunidad at paaralan, na kanila ring hinihikayat na magsimula rin ng ganoong proyekto.

"We've been talking with some communities and schools. We also encourage other localities to produce their own bags para mas efficient the distribution and iwas gasoline na din sa frieght and handling. The design is not exclusive naman," saad ni Mara.

Ani Mara, nakakuha siya ng inspirasyon sa kanyang kandidatong sinusuportahan kung kaya ninanais niya rin na tularan ng ibang kakampink si Robredo bilang isang halimbawa ng kandidatong nag-uugnay sa bawat isa sa pamamagitan ng puso at bolunterismo.

"It's very rare we come across a public servant that makes such an impact on a national level… Simply because she has proven the system wrong, that good honest governance can indeed be done and she by example by walking the talk. Moving forward and trying to navigate a reality that is not what we would consider ideal, I implore we always ask ourselves, what would Leni do? And follow her example," mensahe ni Mara sa kapwa niya kakampink.

Samantala, sa mga nagnanais mag-donate ng tarpaulin upang gawing bags, maaaring mag-iwan lamang ng mensahe sa kanyang Facebook at Instagram.