Sa buong termino ni Vice President Leni Robredo, ni minsan ay hindi umano ito humiling na maging prayoridad sa mga flight.
Ito ang iginiit ng tanggapan ni Robredo ngayong Martes, Mayo 17, matapos pabulaanan ang kumalat na akusasyon ng isang piloto ng Cebu Pacific Air laban sa opisyal.
“The Office of the Vice President categorically denies he false story being circulated on social media which claims that VP Ldeni Robredo requested a priority landing at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) for a flight she was on,” mababasa sa pahayag ng OVP.
Tinawag din itong “malicious fabrication” ng tanggapan.
“During her tenure as Vice President, VP Leni has never asked to be prioritized for taking off or landing when traveling by air. Any claim to the contrary is a lie,” dagdag ng OVP.
Nakakaalarma rin umano ang walang habas na pagpapakalat ng maling impormasyon laban kay Robredo isang linggo lang matapos ang national elections.
“Lying, unfortunately, has become a full-blown industry on social media. VP Leni reiterates her commitment to take firm steps against disinformation and promote truthful public discourse.”
Nauna nang humingi ng paumanhin ang Cebu Pacific Air kay Robredo.