Kumasa sa 'Never Have I Ever Had Challenge' si Kapuso star Heart Evangelista nang magkahamunan sila ng kaniyang team habang nagbabakasyon sa Balesin Island.
Kasama ni Heart ang kaniyang team na itinuring na rin niyang mga kaibigan.
Habang sila ay nagkaka-shot puno na, naglaro sila ng 'Never Have I Ever Had Challenge'. Isa sa mga tanong doon ay 'Never Have I Ever Had a One-Night Stand'.
Makikitang saglit na napaisip pa si Heart bago sumagot. Inamin niyang naranasan na niya ang 'isang gabing tikiman' pero in fairness, lahat naman daw ay naging jowa niya.
“I guess that was considered a one-night stand… Naging kami eventually. Lahat ng naka-one-night stand ko nagiging kami,” pahayag niya.
Inamin din ng aktres ang pagbabasa niya ng text messages ng kaniyang mga naging partner at pakikipag-date sa sampung taon ang tanda sa kaniya.
Number 26 trending na sa YouTube channel ang kaniyang vlog tungkol dito.