Habang malapit nang matapos ang canvassing ng mga boto para sa mga senador at party-list, itinampok ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes, Mayo 17, ang pinakamataas na voter turnout sa bansa at ang consistent canvass reports na umabot sa 83.83 percent mark.

“We start with Canvass Report No. 1 it’s 83.64, for Canvass Report No. 2 our voter turnout is 84.81, for Canvass Report No.3 that’s 83.78 percent, Canvass Report No. 4 –83.05 percent, it’s the same with Canvass Report No. 5 and 6 so across the board. Our voter turnout is the highest ever and it is consistently reaching the 83.83 percent mark,” ani Comelec Acting Spokesperson John Rex C. Laudian, Martes.

Sa ngayon, ang Comelec en banc, na nakaupo bilang national board of canvassers (NBOC), ay nakapag-canvass ng 159 certificates of canvass (COCs) na sumasaklaw sa 66,715,110 rehistradong botante kung saan 55,408,244 na botante ang aktwal na bumoto.

Mayroon itong voter turnout na 83.06 percent na katulad ng Canvass Reports No. 4 at 5.

Labin-apat na COC pa ang hindi na-canvass ng NBOC simula May 16.

Sinabi ni Laudiangco na ang Canvass Report No.7 ay inihahanda na ngayon ng Comelec’s Audit and Tabulation groups.

Ang Comelec en banc ay nakaupo bilang NBOC para sa canvassing ng mga boto para sa mga senador at party-list. Samantala, uupo ang House of Representatives bilang NBOC para sa canvassing ng mga boto para sa mga posisyon ng presidente at bise-presidente.

Jel Santos