Marami ang nagulat at nalungkot sa biglaang balita ng pagkamatay ni Jules Eusebio o mas kilala bilang 'The Dub King' sa social media, partikular sa platform na 'TikTok', na kamakailan lamang ay muling nagdulot ng kasiyahan sa mga netizen dahil sa kaniyang parody kay Mariel Rodriguez-Padilla, nang mahulog ang bentilador nito at mapabulalas ng reaksiyon.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kumalat ang balita ng kaniyang pagpanaw nitong Lunes ng gabi, Mayo 16. Ayon sa ulat, ang dahilan ng kaniyang pagkamatay ay severe typhoid fever. Noong Abril 2022 ay nagpabalik-balik na raw siya sa ospital.

Ngunit mas pinalala pa raw ang kaniyang kondisyon dahil sa pinagdaanang depresyon, na hindi naman tinukoy kung ano ang pinag-ugatan.

Batay nga sa kaniyang titulo, sumikat si Jules sa online world dahil sa kaniyang mga nakakaaliw na video ng pagda-dub sa mga sikat na linya ng mga celebrity sa isang programa sa TV o pelikula. Noong 2021, nakadaupang-palad niya ang tinaguriang 'Dubmash Queen' na si Maine Mendoza. Bago siya nakilala sa 'Eat Bulaga' bilang 'Yaya Dub', dito muna sumikat si Maine.

Samantala, isang tagahanga naman at TikTok user na nagngangalang 'Mommybets' ang nagbahagi ng isang tribute para sa kaniya sa TikTok.

"It’s very hard to accept the truth that you left me @juleseusebio #dubkingjules I know you’re back with our heavenly Father. Painful for me but enjoy your eternal life in heaven," aniya.

"Since April nahospital si Jules dahil sa typhoid fever. Nakausap ko siya, sabi ko bakit tagal niya gumaling 'yun pala lumala na dahil sa depression."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Laking kawalan siya sa TikTok world. Isa siya sa mga hinahangaan ko rito. Nakakalungkot. Rest In Peace, my Idol."

"Wala na nagpapasaya sa akin. Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako nahilig manood sa TikTok, ang lungkot-lungkot ko."

"Siya yung nagpapasaya sa atin pero siya pala itong may pinagdaraanan. Rest in peace, idol! Panonoorin na lang namin mga content mo."

Noong Marso 1, 2022, naibahagi niya sa mga netizen kung paano siya naholdap sa loob mismo ng isang coffee shop ng SM Mall of Asia.