Wala panganumang indikasyon na nagkakaroon na ng local transmission ng Omicronsub-variantBA.2.12.1 sa bansa.

Ito ang sinabi ni infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, miyembro rin ngDepartment of Health (DOH)-Technical Advisory Group, sa isang Laging Handa public briefing nitong Lunes, Mayo 16.

“Sa ngayon, walang indication 'yan kasi — I mean it's possible lalo na ang bilis manghawa ng Omicron.But usually para masabi namin na meron nang local transmission, lalo na 'yung tinatawag na sustained local transmission, tinitignan natin 'yung transmission chains niyan at makikita natin kungmate-trace ba natin,” pahayag pa niya.

Sinabi pa ni Salvana na ang 12 kaso ng BA.2.12.1 sa Palawan ay malinaw na single cluster lamang habang ang dalawang kaso naman sa Metro Manila ay iniimbestigahan pa.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“Sa ngayon pinag-aaralan pa po 'yan, but it's always safer to assume na nandiyan na 'yan kaya kinakailangan po patuloy 'yung pag-iingat natin,” anito.

Ang mga bagong kaso aniya ng sub-variant ay mayroon lamang mild na sintomas ng sakit habang ang iba ay asymptomatic o walang nakikitang sintomas.

Patunay aniya ito na patuloy tayong napopprotektahan ng bakuna.

Tiniyak din ni Salvana sa publiko na hindi na mararanasang muli sa bansa ang naganap noong nagsisimula pa lamang ang pandemya dahil na rin sa mataas na vaccination rate ng Pilipinas.

Paliwanag pa ni Salvana, noong 2020 ay napilitang mag-lockdown ang pamahalaan dahil walang immunity ang populasyon.