Nakakain ka na ba ng crispy banana spring roll na may ube ice cream o kilala sa tawag na 'turon' na nagkakahalagang ₱750?

Marami ang nawindang sa kumakalat na litrato ng menu book mula sa Amanpulo Clubhouse dahil sa presyo ng mga pagkain doon, na ang iba ay maaaring mabili at makita sa mga pangkaraniwang lugar, gaya sa mall o kaya naman ay sa simpleng karinderya o kainan.

Ibinahagi ng isang netizen ang kuhang litrato ng isang pahina mula sa menu book ng sikat at mamahaling tourist island. Sa sandwiches, ang presyo ng clubhouse sandwich na Grilled chicken , white toast, bacon, lettuce, tomato, omelette guacamole ay ₱1,350.

Ang roasted chickpea gyros naman ay ₱950 na binubuo ng pita, tzatziki, romaine, red onion, at parsley. Ang Amanpulo burger naman na ₱2,100 ay 200g home ground wagyu patty, bacon, lettuce, tomato, cheddar cheese, cornichons, at onion jam.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Para naman sa dessert o panghimagas, nariyan ang buko pie na ₱850 na binubuo ng young coconut tart, condensed milk, coconut sorbet, at cashew nuts crumble.

₱600 naman ang presyo ng pumpkin fritelle na may sweet squash fried cakes, pandan creme, at dark chocolate dip.

Ang Ile flottante naman ay mango creme anglaise, sago, dried pomelo, cloud meringue, passionfruit sorbet na na nagkakahalagang ₱700.

₱300 per scoop naman ang daily selection of homemade ice creams and sorbets.

At ang turon nga na may kasamang ube ice cream ay ₱750.

No description available.
Larawan mula sa Twitter

Trending ang mga presyo ng pagkain sa Amanpulo dahil sa kumakalat na alegasyong dito raw gaganapin ang 'victory party' ni presumptive president Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.

Napa-react naman ang mga netizen tungkol dito.

"Robredos flying in economy seem to them as fake (and problematic). Meanwhile Marcos having lavish victory parties in Solaire and Amanpulo (rumored) is not an issue to them. Grabe tlga mental gymnastics ng mga apologists."

"The audacity of bashing VP Leni in attending her daughter's graduation in New York while their candidate enjoying his time in Amanpulo where he rents the whole island. Like WTF?"

"If booking the whole Amanpulo is true, well 31M, you're not invited to your own victory party. Only the oligarchs. You asked for it, you fought for it, you voted for it, now cry about it. Coz there goes our taxes."

Pagtatanggol naman ng mga BBM supporters, huwag daw kaagad paniwalaan ang mga ganitong pekeng balita na wala pa naman umanong kumpirmasyon o resibo.

"If the 'chismis' about Amanpulo is true, then what's the problem? If BBM did pay using your tax, then provide solid proof that he did it. Wag puro kwentong kutchero lang."

"Claims of a buyout and victory party at Amanpulo are false. Verified and confirmed. We need to stop misinformation and disinformation from spreading regardless of which political candidate you support."

"Hey Kakampinks, how do you know that BBM booked the whole Amanpulo for his party (source?), and why are you saying that this is where our taxes go? How did BBM get ahold of PH taxes when he is still to take office?"

Sikat ang Amanpulo Luxury Resort sa Pamalican Island, Palawan bilang bakasyunan ng mga mayayamang tao at sikat na artista, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Ilan lamang sa mga sikat na personalidad na napabalitang nagbakasyon dito ay sina Michael Jackson, Al Pacino, Brad Pitt, Robert De Niro, Madonna, Beyonce, at maging si Bill Gates.

Sa mga lokal na celebrity naman, nakapagbakasyon na rito sina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey, Coleen Garcia at Billy Crawford kasama ang kanilang anak na si Amari, Anne Curtis at Erwan Heussaff kasama ang anak na si Baby Dahlia Amelie, Luis Manzano at Jessy Mendiola, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Bea Alonzo at Dominic Roque, Solenn Heussaff at Nico Bolzico kasama ang anak na si Baby Thylane, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sinasabing ang pananatili ng isang buong gabi sa Amanpulo ay maaaring magkahalaga ng ₱79,000 sa pinakamababa at pinakamataas naman ay ₱500K pataas, depende sa tagal ng pananatili roon.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o kumpirmasyon ang kampo ni BBM tungkol dito.