Wala pa umanong nakikitang sustained increase ng Covid-19cases sa bansa, isang linggo matapos ang pagdaraos ng May 9, 2022 national and local elections.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, bagamat nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng bilang ng Covid-19 cases, ito ay bumaba rin naman.

“Wala pa tayong nakikitang increase ng cases doon sa campaign rallies, sorties. February pa tayo nagkaroon ng campaigns, wala pa namang nagkakaroon ng pagtaas ng kaso na talagang sustained,” aniya pa.

“May nagsasabi na maghintay pa tayo up to two weeks. So far wala pa naman tayong nakikitang indication na may clustering of cases dahil doon sa recent elections natin noong May 9,” dagdag pa niya.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Una nang inanunsyo ng Malacañang nitong weekend na ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay mananatili sa Alert Level 1 hanggang sa katapusan ng buwang ito.

Pinaburan naman ito ni David dahil wala naman aniya silang nakikitang anumang banta na muling magkaroon ng surge ng Covid-19 sa kabila nang kumpirmasyong nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron subvariant BA.2.12.1.

Binigyang-diin ni David na maituturing lamang na significant ang pagtaas ng Covid-19 cases kung ang kasalukuyang bilang ng daily cases ay magdodoble.