Nakilala si Lola Evelyn Nazareno nang sa kabila ng kanyang kondisyon ay dumalo siya kasama ng kanyang pamilya sa miting de avance ni Vice President Leni Robredo sa Makati, ayon na rin sa kanyang hiling.
Pumanaw na si Lola Evelyn sa sakit na cancer, sa edad na 77-anyos nitong hapon ng Lunes, Mayo 16.
Ito ang ibinahagi ng kanyang anak na si Pia Nazareno-Acevedo sa isang Facebook post.
“She inspired many as she lived her life so clearly loving and serving the Lord through representing what is right, just, and good for all.”
“Our Superwoman Mom now looks upon us all!!! We have another great advocate for our nation’s hopes and dreams in Mommy!” ani Pia.
Isang maikling burol din ang gaganapin sa ika-2 hangang ika-3 ng Martes, Mayo 16 sa Chapel of the Resurrection ng Della Strada Parish.
Si Lola Evelyn ay isa sa mga naging inspirasyon lalo na ng kabataang Kakampinks sa kampanya ni Robredo.