Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na maging responsable upang maiwasan ang aksidente.

Ayon sa MMDA, importanteng alamin ang ibinibigay na palatandaan ng kapwa driver bilang bahagi ng tungkulin ng mga ito.

Pinaiiwas din ang mga ito sa pagiging agresibo at pagbigyan ang mga sasakyan na nais mag-overtake para maiwasan ang kapahamakan.

Magbigay-daan din sa mga tumatawid upang hindi na maabala nang husto.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Dagdag pa ng ahensya, mag-ingat sa pagmamaneho, iwasang makipag-karerahan at maging mapagbigay sa kapwa driver sa oras ng emergency.