CAMP DANGWA, Benguet -- Patay na nang matagpuan ng mga rescuers ang mag-ama na pinaniniwalaang kapuwa nalunod sa may Banawel, Natonin, Mt.Province.

Nabatid kay Capt. Marnie Abellanida, deputy information officer ng Police Regional Office-Cordillera, nakilala ang biktimang si Rindo Charwasen at anak nitong si Renz Ardel Charwasen, isang Grade 4 learner ng Layog-Ogtong Public School.

Ayon sa ulat ng Natonin Municipal Police Station kay Abellanida, noong Mayo 14, ang mag-ama ay umalis sa kanilang bahay matapos ang pananghalian at nagtungo sa ilog ng Sitio Nambatuwan, Banawel.

Hinanap sila ng mga kaanak ng mga biktima matapos nilang mapansin na hindi na umuuwi ang nasabing mag-ama ng magdamag na iyon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kinabukasan, Mayo 15, nag-responde ang pulisya at mga tauhan Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office at nagsagawa ng search operation sa ilog.

Unang nakuha ng mga diver ang ama na natagpuan sa ilalim ng river bed na may 5 metro ang lalim. 

Pagkaraan nito, natagpuan din nila ang pangalawang biktima, na may 2 metro ang layo mula sa kanyang ama.