Nakubkob ng militar ang isa sa kuta ng New People's Army (NPA) matapos ang kanilang sagupaan sa Bacuag, Surigao del Norte nitong Linggo.

Sa pahayag ng militar, nakatanggap ng impormasyon ang 30th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) kaugnay ng pangha-harass ng mga rebelde sa Brgy. Pungtod.

Nang magresponde ang mga sundalo sa lugar ay pinaputukan sila ng grupo ng mga rebelde hanggang sa magkaroon ng sagupaan na tumagal ng 30 minuto.

Sa intelligence report ng militar, ang naturang grupo ng mga rebeldeng pinamumunuan nina Alberto Castaneda at Roel Neniel ay kaanib ng Sandatahang Yunit Pampropaganda 16C2 at 16C1 ng NPA Guerilla Front 16, Northeastern Mindanao Regional Party Committee.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Sa ulat, inabandona ng grupo ang kanilang kuta matapos ang engkuwentro.

Nasamsam sa kuta ng mga rebelde ang isang AR15 rifle, isang M203 grenade launcher, 30 na bala ng AK-47 rifle, 20 na bala ng M16 Armalite rifle, mga gamit pampasabog, subersibong dokumento, at ilang personal na kagamitan.