Si infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana na nga ba ang susunod na kalihim ng Department of Health (DOH)?

“May naririnig din po akong ganyan. Siguro sa ngayon, no comment na lang po muna ako. Let's go through the official channels kung meron man,” reaksyon ni Salvana, miyembro ng Department of Health (DOH)-Technical Advisory Group, nang tanungin ng mga mamamahayag kung inalok ito ng kampo ni presumptive President Ferdinand Marcos, Jr. na maging miyembro ng kanyang Gabinete, sa isinagawang Laging Handa public briefing nitong Lunes.

“Siguro kung mayroon man mga ganyang bagay, siguro hintayin na lang po muna natin kung may announcements from the proper authorities,” paglalahad pa ni Salvana.

Sa ngayon aniya, tinututukan muna nito ang pagsisikap ng gobyerno na makontrol ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

National

Kahit nasa ₱700M na lang ang budget: OVP, tuloy pa rin ang trabaho

Matatandaang inihayag na ni DOH Secretary Francisco Duque na hindi na nito kayang maipagpatuloy ang kanyang pagtatrabaho sakaling kunin ito ng susunod na administrasyon para sa naturang puwesto dahil pagod na umano ito.