Nananawagan si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa lahat ng opisyal at empleyado ng  Manila City Hall na mag-move on na sa katatapos na eleksyon at makipag-ayos na sa mga nakagalit nitong mga nakaraang araw dahil lamang sa isyu ng politika.

Umapela din si Domagoso sa mga ito na huwag nang makisali sa kahit na anong political activities dahil magdudulot lamang ito ng pagkakahiwa-hiwalay.

Giit pa niya, obligasyon ng bawat Pinoy na suportahan ang gobyerno kahit sino man ang namumuno dito.

Samantala, pinasalamatan ni Domagoso ang mga opisyal at empleyado sa pagtulong sa pamahalaang lungsod at sa pagsama sa kanya, lalo na sa kasagsagan ng pandemya.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Habang ang lahat nangangapa sa dilim, tanging ilaw lamang ng city government and natakbuhan ng mga kababayan hindi lamang sa Maynila kungdi sa buong bansa,” pahayag pa niya nitong Lunes.

Nagpasalamat din ang alkalde sa ginawang pagsuporta sa tambalan nina Mayor-elect Honey Lacuna at vice mayor-elect Yul Servo na binati niya rin ang mga ito kasama ang anim na Congressmen at 36 councilors na pawang nagsipanalo.

Ngayong tapos na aniya ang aleksyon, dapat nang magkaisa ang lahat para sa kapakanan ng bansa at ng mga mamamayan nito.

“Ipalaganap ninyo ang paggalang.. ang respeto sa isa’t-isa. Ngayon, tayo, ilang libo tayo, sa atin magsimula. Let’s heal our country. We should not be part of division. We should continue to believe that the system will work no matter how hard it is,” pahayag pa ng alkalde.

Hinikayat din naman ni Domagoso ang bawat isa na makipagbati na sa kanilang mga kamag-anak, kaibigan at maging sa kanilang pamilya na kanilang nakagalit dahil lamang sa pulitika.