Ayon sa batikang screenwriter na si Suzette Doctolero, inalok na raw ng administrasyon ni presumptive President Bongbong Marcos Jr. kay Darryl Yap ang chairmanship ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ito ang ibinahagi ni Doctolero sa isang Facebook post matapos maging laman ng Twitter ang Lenlen series director nitong Lunes, Mayo 16.

Basahin: Darryl Yap, trending topic sa Twitter dahil sa patutsada kay Robredo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Aniya pa, “Ganun talaga ang nature ng politics sa Pinas. Chaka mang sabihin pero Kung sinong nanalo, sila ang makakakuha ng posisyon.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kilalang malapit sa pamilya Marcos si Yap na naging daan sa mga kritikal na materyal laban kay Vice President Leni Robredo sa seryeng "Lenlen."

Pagbubulgar pa ni Doctolero, tinanggihan din daw umano ni Yap ang alok.

“To be fair, alam naman nung bata na maraming aatakehin sa puso kaya umayaw na sya coz he cares you know haha. Pero huwag nyo nang ibash at baka magbago pa ang isip. Di ko mabe blame yan ha,” ani Doctolero.

Ang FDCP ay isang national film agency sa ilalim ng Office of the President na pamumunuan ni Marcos Jr. sa kanyang anim na taong termino.