Inanunsyo nang Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes na inaprubahan na nila ang kahilingang dagdagan ng bayad ang mga gurong nag-overtime sa nakaraang eleksyon dulot ng mga pumalyang vote counting machine (VCMs).

"Approved na po 'yan "in principle," napag-usapan na ng en banc," pagkukumpirma ni Comelec Commissioner George Garcia.

Hindi na binanggit ng Comelec kung magkano ang ibibigay na dagdag na honoraria para sa mga poll worker.

Gayunman, tiniyak ni Garcia na across-the-board ito o para sa lahat ng nag-OT dahil sa pumalyang VCM.

Matatandaang aabot sa 2,000 VCMs ang pumalya noong May 9 elections kaya pinalawig ang voting hours para sa mga apektadong botante.

Kamakailan, nanawagan angDepartment of Education (DepEd) na gawing P3,000 ang karagdagang-bayad sa mga guro dahil sa kanilang sakripisyo upang mabantayan ang milyun-milyong boto.