Naglabas ng pahayag ang Cebu Pacific Air matapos masangkot sa isang pinag-usapang Facebook post ang kanilang piloto, Lunes, Mayo 16.

“A recent social media post by one of our pilots has been brought to our attention. In the post, the pilot alleged that Vice President Leni Robredo had requested for her flight a month ago to be given priority landing at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) which caused flight diversions. The concerned pilot had taken down his post,” anang Cebu Pacific.

Habang iginagalang ng kompanya ang kalayaan sa pagpapahayag ay sakop pa rin ng Data Privacy Act of 2012 at Code of Discipline ang nasabing piloto, anang Cebu Pacific.

“We also have a robust Social Media Policy which has clear guidelines on how our employees should behave on social media because they are stewards of our brand and everything that we value as a company.”

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Dapat umanong itago ng kanilang empleyado ang mga sensitibong impormasyon sa publiko, may katotohanan man o lalo na kung ito’y walang katotohanan na magiging sanhi pa ng disimpormasyon.

Nakikipag-ugnayan na ang Cebu Pacific sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para resolbahin ang isyu.

“CEB will address this item internally with the concerned stakeholder(s) based on our Company guidelines.”

Isang Van Ranoa ang umagaw ng atensyon sa netizens nitong Lunes matapos ang isang mahabang rant dahil sa Instagram story ni Vice President Leni Robredo na nagpa-plantsa ng susuoting toga ni Jillian para sa araw ng pagtatapos nito sa New York University (NYU).

Basahin: VP Leni, ibinahagi ang pamamalantsa ng toga, atbp. habang day 1 sa New York – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid