Kulang na lang ng isang certificate of canvass (COC) upang makumpleto na ng National Board of Canvassers na bilangin ang ang 173 na COCs sa katatapos na eleksyon nitong Mayo 9.
Sa pahayag ng Commission on Elections (Comelec), pa-gabi na nang mabilang ng board of canvassers ang 172 sa 173 na kabuuang COCs.
Panghuling isinailalim sa canvassing ang 14 na COCs mula sa mga Pinoy na bumoto ibang bansa.Sinabi ng Comelec, nanggaling pa sa Philippine Embassy sa Oslo, Norway ang huling naitalang 14 na COCs.
Hinihintay na lamang ang isa pang COC mula sa Lanao del Sur na nagkaroon ng failure of elections dahil na rin sa karahasan.
Itinakda sa Mayo 24 ang special elections sa 14 na barangay sa Butig, Binidayan at Tubaran.
Umaasa pa rin ang Comelec na sa pamamagitan ng electronic transmission ay maipadala ngayong Mayo 17 ang paunang resulta ng halalan sa ilang lugar sa Lanao del Sur na hindi nagdeklara ng failure of elections.
Paglilinaw pa ng Comelec, hindi na makaaapektosa boto ng mga pumasok sa"Magic 12" na kandidato sa pagka-senador ang hihintaying boto na galing sa probinsya.
Inaasahang ipoproklama na ang 12 na nanalong senador sa Miyerkules at sa Huwebes naman ang mga nangunang party-list representatives.