Imposibleng mangyari ang isinusulong na₱20 kada kilo ng bigas sa bansa, ayon sa pahayag ng isang grupo ng mga magsasaka.

“Sa balangkas at sa umiiral na batas na Rice Tariffication o Rice Liberalization Law, imposible. 'Yung₱20 per kilo sa balangkas ng mga patakarang neoliberal, tulad ng umiiral na mga patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon… imposibleng makamit," sabi niKilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus Rafael “Ka Paeng” Mariano nang kapanayamin sa telebisyon nitong Lunes, Mayo 16.

Gayunman, nilinaw nito na kailangang mabigyan ng subsidiya ang mga magsasaka kung desidido ang gobyerno na maibaba ang presyo ng bigas.

“Ia-address mo 'yung presyo ng farm inputs eh. Meron kang subsidiya doon sa farm inputs--binhi, abono, at iba pa. At dapat ang farmgate price, ang presyo ng palay sa bukid, ‘pag inani ng magsasaka, eh 'yung competitive naman.Ibig sabihin, sabi ko nga, kung mapapababa 'yung cost to produce 1 kg of palay sa₱6,₱8 katulad sa Thailand at Vietnam, ibenta man nang--kunin ‘man 'yon ng₱16, so meron na agad₱8…na pwedeng dagdag sa kita ng magsasaka natin,” pagbibigay-diin nito.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Iminungkahi rin nito sa pamahalaan na gumawa ng mga hakbang para sa kapakanan ng mga magsasaka upang hindi na umaasa ang bansa sa pag-aangkat ng bigas.

“Kailangan ang patakaran mo talaga ay itaguyod yung patakaran natin, patakaran sa food self-sufficiency, 'yun bang patakaran sa pag-asa sa sariling kasapatan sa pagkain.Ibig sabihin noon, pagpapalakas nung ating lokal na produksyon ng palay, para makamit 'yung talagang matatag at sustenableng seguridad sa pagkain para sa bawat mamamayang Pilipino," dagdag pa nito.

Matatandaang ipinangako ni presumptive president Ferdinand Marcos, Jr. na isusulong nitong gawing ₱20 ang presyo ng bigas sa bansa sa gtina ng nararanasang pandemya.