Nagkrus ang mga landas nina incoming Ilocos Norte 1st district Representative Sandro Marcos at si retired Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, sa naganap na Party-list Coalition Foundation, Inc.’s (PCFI) meeting noong Sabado, Mayo 14, sa Makati.

Si Guanzon ay kilalang kritiko ng kaniyang amang si presumptive president Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. Makikitang lumapit mismo si Marcos kay Guanzon at nakipagkamay rito.

Makikitang lumapit at nakipagdaupang-palad rin si Majority Leader at Leyte 1st district Representative at presidente ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party na si Martin Romualdez.

Martin Romualdez, Sandro Marcos, at Rowena Guanzon (Larawan mula sa Manila Bulletin)

“Again we are following the theme, the message and the desire of the incoming administration of President Bongbong Marcos of unity,” ani Romualdez.

“Tapos na yung eleksyon, tapos na yung politika. Magtrabaho na tayong lahat, magkaisa na tayong lahat, isang bansa, isang Pilipino. Lahat-lahat tayo para sa Pilipino."

“So that's what we all are about. We are about the House of the people, the House of Representatives of the Philippines. We are for every Filipino. No more colors no more politics work,” dagdag pa ng contender sa pagka-speaker ng Kamara na si Romualdez.

Samantala, ibinahagi naman ni Guanzon sa kaniyang tweets ang litrato nila ni Romualdez at nagpaliwanag sa kaniyang followers na hindi siya bastos kaya ginawa lamang niya ang nararapat.

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1525377387558338560

"Salamat po sa tiwala n'yo. Hindi po ako bastos so when Cong M Romualdez, who is from UP law also, approached me and had pics taken, I conversed with him. He will be Speaker," aniya.

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1525475688639102976

Nagbigay rin siya ng reaksiyon sa pagkikita nila ni Sandro.

"So I accepted their polite gestures this afternoon. I still say BBM should pay 203B taxes and the deficiency income tax for which he was convicted by the courts," aniya nitong Mayo 4.