Nananatiling top two placers sa May 9 polls senatorial race ang aktor na si Robin Padilla at si Antique Rep. Loren Legarda.

Ang partial, official tally ng Commission on Elections (Comelec) na inilabas nitong Linggo, Mayo 15, ay nagpakita kay Padilla sa numero unong puwesto matapos makakuha ng 25,856,168 boto.

Si Legarda ay nasa pangalawang puwesto na may 23,614,960 boto.

Nasa ikatlong pwesto si Raffy Tulfo na may 22, 801,648 na boto kasunod si Sherwin Gatchalian na may 20,052,418 na boto.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Nasa ikalimang puwesto si Chiz Escudero na may 19,784,560 boto kasunod si Mark Villar na may 18,927,520, Alan Peter Cayetano na may 18,743,575, Miguel Zubiri na may 18,153,807 boto.

Nasa ika-siyam hanggang ika-12 puwesto sina Joel Villanueva na may 18,058,632 boto, JV Ejercito na may 15,428, 651, Risa Hontiveros na may 15,016,708 at Jinggoy Estrada na may 14,693,932 boto.

Ang resulta ay batay lamang sa 149 na mga certificate of canvass.

Nakatakdang i-canvass ng NBOC ang 173 COC na kinabibilangan ng overseas absentee voting.

Noong Mayo 10, nang ang Comelec en banc, na nakaupo bilang National Board of Canvassers (NBOC) ay nagsimulang opisyal na mag-canvass ng mga boto para sa mga senador at party-list groups.

Inaasam ng Comelec na iproklama ang 12 nanalong senador sa Martes, Mayo 17.

Leslie Ann Aquino