Inaasahang matatanggap na sa Lunes, Mayo 16, ng mahigit 10,000 empleyado ng Manila City Hall ang kanilang mid-year bonus sa Lunes, Mayo 16.
Ito ang inanunsiyo ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso nitong Linggo kasabay ng panawagan na mag-move on na at ibalik na sa normal ang kanilang pamumuhay kahit sino pa man ang kanilang ibinoto sakatatapos na eleksyon.
Inihalimbawa pa ni Domagoso ang kanyang sarili matapos niyang isapubliko ang pagbati sa nanalong kandidato na si presumptive President Ferdinand Marcos, Jr.
Tiniyak din ni Domagoso sa mga magulang ng mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Unibersidad ng Maynila na hindi ito magagamit sa anumang political activities. Ito ay kasunod na rin ng anunsyo ng alkalde na mahigpit na ipatutupad ang no permit, no rally policy sa lungsod.
Idinagdag pa niya na patuloy siyang magtatrabago hanggang sa huling araw ng kanyang termino sa Hunyo 30 para sa kapakanan ng lungsod at ng mga residente.