Dinakip ng operatiba ng InterAgency Council for Traffic (I-ACT) at kapulisan ang isang lalaking inireklamo umanong 'nagsasarili' o gumagawa ng kahalayan sa loob mismo ng isang bus sa Muñoz Busway Station, ngayong Linggo, Mayo 15.

Ayon sa opisyal na Facebook post ng IACT, inireklamo ng isang kapwa pasaherong babae ang naturang lalaki nang maispatan niya itong hinahawakan nito ang kaniyang pag-aari habang nakatakip ng payong.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Hindi pa umano ito nakuntento sa paghawak-hawak at maya-maya nga, inilabas na nito ang ari at sinimulang himasin. Nakuhanan ito ng video ng babaeng pasahero.

Agad siyang dinampot ng mga operatiba ng IACT, kasama ang ilang barangay tanod at pulis upang sampahan ng kaukulang reklamo.

"Hinihikayat ng I-ACT na lumapit agad sa aming mga operatiba upang ireklamo ang mga ganitong hindi kanais-nais (na) gawain."

"Malugod na tutulong ang Task Force upang tuluyang mapanagot sa batas ang mga bastos at pasaway na pasahero," anila.