Kaagad na naglabas ng opisyal na pahayag ang Becky Aguila Artist Management na siyang nangangalaga sa showbiz career ni Kapamilya actress Andrea Brillantes, kaugnay ng mga lumalabas na tweets umano na ipino-post nito sa social media, at nakasagutan pa umano ang isang fake account na may pangalang 'Kitty Duterte'.

Si Veronica 'Kitty' Duterte ay anak nina Pangulong Rodrigo Duterte at partner nitong si Honeylet Avanceña. Sa ginamit umanong fake account na nakapangalan kay Andrea, sinabi nito na huwag silang ipagkumpara ni Kitty Duterte dahil marami umano silang differences.

Sumagot naman dito ang sinasabing fake account ni Kitty Duterte, kung saan tila nagbato ito ng patutsada tungkol sa eskandalong kinasangkutan ng Kapamilya actress noon tungkol umano sa isang leaked video.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa Twitter

Narito ang opisyal na pahayag ng talent management ni Andrea:

"May kumakalat na mga malisyosong tweets diumano mula sa aming artistang si Andrea Brillantes ngayon sa social media."

"Vinerify ito ng aming management at nakumpirma namin na ang mga ito ay edited o peke."

"Nananawagan kami sa publiko na mas maging mapanuri lalo na sa pag-share nito sa kani-kanilang mga accounts."

"Pinaaalalahanan din ang lahat na ang pagpapakalat ng maling impormasyon tulad nito ay saklaw ng cyber libel at may karampatang parusa. Mabusisi itong minomonitor ngayon ng aming legal team para sa kinauukulang aksyon."

May be an image of 1 person and text
Larawan mula sa FB/Becky Aguila Artist Management

Sa naturang opisyal na pahayag ay makikita ang ilan sa mga halimbawa ng pekeng tweets na pinag-uusapan sa social media.

Samantala, ang original Twitter account ni Andrea ay may 1M followers.