Isang anak ng isang opisyal ng Philippine Army (PA) na taga-Koronadal City sa South Cotabato ang valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) "Bagsik Diwa" Class of 2022.

Pinangunahan ni Cadet 1st Class (1CL) Krystlenn Ivany Quemado na anak ni PA Col. Nicolas Quemado, Jr., ang214 na nagtapos sa PMA ngayong taon.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi nito na ang kanyang ama ang inspirasyon nito upang maabot ang kanyang pangarap na makapagtapos sa pangunahing military academy sa bansa.

“Our parents are the source of all our strength and support. They’re the ones who have been there since the beginning. The need for me to also render a life of duty, I saw it at him. He served as my inspiration for the service he gave to the country. Also, he’s been my source of motivation,” ayon kay Quemado.

National

Kahit nasa ₱700M na lang ang budget: OVP, tuloy pa rin ang trabaho

Kabilang sa mga nagtapos ang 165 na lalaki at 49 na babae.

Sa naturang bilang, 105 ang lalahok sa Army, 52 naman sa Air Force at 57 naman sa Navy.

Nauna nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang 514 na nagsipagtapos ay kabilang sa mga lider sa hinaharap na magbabatay sa karapatan ng mamamayan.