Nakiusap ang Kakampink celebrity na si Romnick Sarmenta sa mga kaibigan sa social media na kung ibinoto nila si presidential candidate at dating Senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. o BBM, ay malaya na silang i-unfollow o i-unfriend siya.

May titulo ang kaniyang Facebook post noong Mayo 11 na "PAKIUSAP Read before liking."

"Nagpapasalamat ako sa lahat ng pagmamahal, pagkakaibigan at suportang ibinigay ninyo sa maraming taon. Pinahahalagahan ko 'yun at kinikilala. Salamat."

"Mahal ko kayo."

"Pero mayroon akong pakiusap, kung may paggalang kayo, at pagkilala sa kapwa tao."

"Kung kasama ka sa 30M, paki-unfollow o unfriend na po ako," aniya na ang tinutukoy ay mahigit 30M na bumoto kay BBM.

"Hindi lingid sa inyo kung sinong sinuportahan o ibinoto ko."

"Malinaw na hindi magkapareho ang pinili natin at pinahahalagahan."

"Malinaw, na magkakaiba ang ating paniniwala."

"At kung tutoo ka sa sarili mo, maiintindihan mo ang nais at ibig kong sabihin."

"Walang panghuhusga sa bahagi ko, kaya nga nakikiusap."

"Sinabi ko na noon, na hindi ako magdadalawang-isip sa pag-block ng mga taong hindi ko kailangan sa mga social media accounts ko. Pero wag n'yo na akong pagurin pa. At dahil di ko naman kayo inaabala, wag na kayong mag-abala pa sa akin. Mas gugustuhin kong makita, na ang kakaunting matitira sa listahan ng kaibigan at sumusuporta sa akin, ay mayroon ding malasakit sa mga pinahahalagahan ko."

Screengrab mula sa FB/Romnic Sarmenta

"At dahil magkaiba tayo ng mga prinsipyo, tiyak kong hindi naman ako magiging kawalan sa inyo, at madali namang gawin ito. Salamat, sa pagpapaubaya."

"Patnubayan ka ng Panginoon