Nakatakdang lumipad ng Amerika ngayong araw si Vice President Leni Robredo para dumalo sa seremonya ng pagtatapos ng bunsong anak na si Jillian sa prestihiyusong New York University (NYU).

Ito ang ibinahagi ni Robredo sa kanyang Facebook post, Sabado, Mayo 14 kung saan sinabi niyang ilang araw silang magkakasama bilang isang pamilya.

Pagbabahagi ng ina, ito ang unang pagkakataon na makakapagbakasyon sila bilang pamilya mula nang pumanaw ang asawang si dating Department of Interior and Local Government (DILG) chief Jesse Robredo noong 2012.

Hindi rin aniya mapauunlakan ang mga nais makipagkita sa kanya sa Amerika kaya’t humingi rin siya ng pamumanhin.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“We are sorry if we cannot accept the numerous requests for meet-ups. We will do that some other time in the future. For now, we just need to spend as much time together,” aniya.

Para naman sa ilang mahahalagang bagay, ipinaubaya pansamantala ni Robredo ang tungkulin ng kanyang opisina sa kanyang chief of staff na si Undersecretary Boyet Dy.

“While I am away, I will still be on top of the preparations for the launch of Angat Buhay NGO. The entire OVP Family is making all the preparations for the official turnover of the office to the duly elected 15th Vice President,” pagbabahagi pa niya sa mga susunofd na hakbang sa kanyang pagbabalik-bansa.

Muli rin nagpasalamat si Robredo sa lahat para sa natatanggap na suporta.

Samantala, sa Mayo 18 nakatakdang ganapin ang graduation ni Jillian. Ang bunsong anak ni Robredo ay magtatapos ng double degree sa Mathematics at Economics.

Matatandaang sa mga panayam ni Robredo, si Jillian ang nagpursigeng mag-aral sa Amerika matapos itong maghagilap ng scholarship na magpipinansya sa kanyang gastusin.