Solido pa rin ang performance ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa pagsalang nito sa Southeast Asian (SEA) Games nitong Sabado sa Hanoi, Vietnam.

Ito ay nang masungkit ang gintong medalya sa men's pole vault kung saan binura nito ang dati niyang record na 5.45 meters.

Tinalunan ni Obiena ang 5.46 meters na nagbigay sa kanya ng inaasam na medalya sa biennial meet.

Naging madali lang kay Obiena ang pagtalon sa 5.40-meter bar sa unang pagtatangka. Nakatatlong attempt muna si Obiena bago niya mabura ang dati nitong Asian record.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang kababayan ni Obiena na si Hokett delos Santos ay nakakuha lang silver matapos lundagin ang 5.00 meters.