Kinailangang maging kalmado ng nag-iisang pasahero na wala pang karanasan sa pagpapalipad ng aircraft matapos mawalan ng malay ang kanyang piloto habang nasa himpapawid.

Tila isang eksena sa pelikula ang naranasan ni Darren Harrison, matapos niyang maiwang mag-isa sa sinasakyang Cessna 208, isang utility aircraft na biyaheng Bahamas papuntang Florida sa Amerika, ayon sa ulat ng BBC kamakailan.

Agad na tinimbrehan ni Darren ang air traffic control sa kanyang sitwasyon ilang minuto lang matapos indahin ng piloto ang masama nitong pakiramdam habang nagmamaniobra ng flight.

“I’ve got a serious situation here. My pilot has gone incoherent. I have no idea how to fly the airplane," maririnig na ulat ni Darren sa nakuhang audio recording ng WPBF-TV.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Naging gabay naman sa kanyang kauna-unahang pagmamaniobra ng aircraft ang pilot instructor na si Robert Morgan na nakaantabay din noon sa traffic control center.

Matapos ang ilang minutong maatikabong eksena, matagumpay at ligtas na nakalapag ang aircraft sa Palm Beach International Airpot, bagay na ipanagpasalamat ng traffic controller na si Morgan.

Agad na isinugod sa ospital ang nawalang malay na piloto.

Pagbabagi ni Harrisson sa ulat pa rin ng WPBF-TV, “I knew the plane was flying like any other plane. I just knew I had to keep him calm, point him to the runway and tell him how to reduce the power so he could descend to land.”