Isang pinaghihinalaang lider ng New People's Army (NPA) ang natimbogng militar at nasamsaman din ito ng anim na baril sa Boston, Davao Oriental.

Sa ulat ng militar, nakilala ang umano'y rebelde na si Cayetano Santos, Jr., alyas "Juning" at squad leader ng Regional Operations Command and Regional Headquarters ng NPA.

Si Santos ay dinakip ng mga tauhan ng10th Infantry Division ng Philippine Army at pulisya sa Barangay Simulao nitong Mayo 12.

Kabilang sa nakumpiska sa suspek ang isangCarbine rifle, isang M1 Garand rifle, isang USAS-12 shotgun, isang RPG-2 grenade launcher, isang KG-9 sub-machine gun, isang M16 rifle, at isang anti-personnel mine.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinabi ng militar na tumiwalag sa kilusan si Santos noong 2018, gayunman, hindi ito sumuko sa gobyerno.

Kaugnay nito, nanawagan naman si 10th ID commander, Maj. Gen. Nolasco Mempin, sa iba pang kaanib ng kilusan na sumuko na bago pa sila maaresto.

“To those NPA members who went on lie-low and didn't surrender, you cannot forever stay in your hideout. Surrender now while you still have a chance. Don't wait for the government forces to catch you,"dagdag pa nito.

PNA