Parte na ng Board of Trustees ng Filipino Society of Composers, Authors and Publishers, Inc. (FILSCAP) ang Rivermaya lead singer-drummer na si Mark Escueta.

Ito ang ibinahagi ng musikero sa kanyang Facebook post kamakailan.

“Sobrang honored ako nung na na-nominate palang ako kasi napakalaking tulong ng FILSCAP mga composers. Sa katunayan nga, nung unang taon ng Pandemya, mas marami kaming natanggap na financial assistance from FILSCAP kaysa sa LGU namin. Napakalaking bagay,” mababasa sa post ni Mark.

Ang FILSCAP ay isang non-stock at non-profit na asosasyon ng mga manunulat at music publishers na nagbibigay ng legal na permiso para sa pagpapatugtog, pag-broadcast o pag-reproduce ng copyrighted local and international music compositions para sa mga miyembro nito and sa mga kasamang banyagang samahan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, mababasa rin sa official website nito ang patuloy na pagbibigay ng financial assistance sa kanilang mga miyembro gayundin ang annual P50,000 medical expense reimbursement sa oras na kailanganin ng kanilang regular na kasapi.

Nagpasalamat naman si Mark sa ilang kaibigan na tumulong para maging posible ang kanyang pagiging opisyal na bahagi ng board.

“Bilang newbie, excited ako sa dagdag kaalaman, at handang mag-ambag sa tulungan ng Board of Trustees,” ani Mark.

Hinikayat naman ng musikero ang ilan pang kasamahang manunulat na maging bahagi na rin ng FILSCAP.

“Opportunity ito para makilala ang ibang mga kasama natin sa industriya at invaluable din ang pagkakataon na matuto sa isa't-isa,” aniya.

Sasamahan ni Mark sa FILSCAP Board of Trustee ang ilan nang kilalang komposer at manunulat sa bansa kabilang sina Noel Cabangon, Jaime Paredes, Rico Blanco, Ysmael “Yael” Yuzon bukod sa iba pa.

Screengrab mula website ng FILSCAP

Screengrab mula website ng FILSCAP