Masayang ibinahagi ni Mariel Rodriguez-Padilla na finally, matapos ang ilang buwan, ay nakapagsuot na rin siya ng pink outfit, ayon sa kaniyang latest Instagram post nitong Mayo 12, 2022.
"Yehey pwede na ulit mag-Pink!!! #PinkloverOG," saad ni Mariel sa kaniyang caption. Ibinida niya ang kaniyang selfie na nakasuot siya ng pink outfit.
Nagkomento naman dito ang mga celebrity friends na sumuporta sa kandidatura ng BBM-Sara gaya nina Alex Gonzaga, Karla Estrada, at iba pa.
Nagkomento rin dito ang misis ni Oyo Boy Sotto na si Kristine Hermosa, na kamakailan lamang lumantad na BBM supporter, matapos magpalit ng kulay pulang background sa profile picture ng kaniyang Facebook account. Nanawagan kasi ang mga BBM-Sara supporters na magpalit ng pulang profile pic ang 31M na sumuporta at bumoto sa kanila. Marami ang nagulat sa kaniyang ginawang paglantad dahil sa buong kampanya ay tahimik lamang si Tin.
"@marieltpadilla Yehey!!!!!!👏" saad nito.
Nagkomento rin dito ang mister na si UniTeam senatorial candidate Robin Padilla na siyang nangunguna sa Top 12.
"Yes babe favorite natin na color," wika ni Robin.
Tumugon naman dito si Mariel, "@robinhoodpadilla yes babe hehehehehee ilabas ko na lahat hahahaa."
Pink ang kulay-politika ng mga Kakampink na sumusuporta sa Leni-Kiko tandem. Matatandaang naging batayan ng panghuhula ng mga netizen kung sinong kandidato o anong partido ang sinusuportahan ng mga celebrity sa halalan, batay sa kulay ng suot ng damit.
Isa na rito ang Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas matapos kumalat ang isang pekeng balita na isa siyang Kakampink, dahil sa kumalat na litrato niyang nakasuot ng pink outfit.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/tanging-ina-ka-sino-ka-mang-gumagawa-ng-mga-kacheapan-hindi-ako-vp-leni-supporter-ai-ai-delas-alas/">https://balita.net.ph/2022/03/10/tanging-ina-ka-sino-ka-mang-gumagawa-ng-mga-kacheapan-hindi-ako-vp-leni-supporter-ai-ai-delas-alas/
Agad namang nilinaw ito ni Ai Ai at diretsahan niyang sinabing hindi siya tagasuporta ni VP Leni Robredo. Ang kumalat daw na litrato na nakasuot siya ng pink ay mula sa kaniyang pelikulang 'Ang Tanging Ina N'yong Lahat' kung saan naging presidente ng Pilipinas ang kaniyang karakter.
Isa pa rito ay si Iglesia Ni Cristo member at actress-TV host Gladys Reyes, na bagama't walang sinabing kandidatong susuportahan, ay nagsabing tatalima sa endorso ng kanilang pamunuan. Ang inendorso ng INC ay BBM-Sara gayundin ang ilan pang UniTeam senatorial candidates. Nilinaw din ni Gladys na sana raw ay huwag bigyang-kahulugan ang kulay ng suot.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/07/gladys-reyes-tumindig-sa-desisyon-ng-inc-nilinaw-ang-isyu-tungkol-sa-pagsusuot-ng-pink-outfit/">https://balita.net.ph/2022/05/07/gladys-reyes-tumindig-sa-desisyon-ng-inc-nilinaw-ang-isyu-tungkol-sa-pagsusuot-ng-pink-outfit/