Good news sa mga motorista.

Asahan ang pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Martes, Mayo 17.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bababa sa ₱3.10 hanggang ₱3.30 sa presyo ng kada litro ng diesel, ₱2.10-₱2.30 sa kerosene at ₱0.50-₱0.75 marahil ang ibabawas naman sa presyo ng gasolina.

Ang napipintong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sakaling ipatupad, ito na ang ikalimang bugso ng oil price rollback ng mga kumpanya ng langis ngayong taon.

Noong Mayo 3, huling inirollback sa ₱1.15 ang presyo ng diesel at kerosene, at ₱0.65 naman sa presyo ng gasolina.