Hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari noong eleksyon ang Kapamilya actress na si Kim Chiu.
Sa isang Instagram story noong Biyernes, Mayo 13, ibinahagi ng aktres ang saloobin tungkol sa nagdaang eleksyon.
"Still I cannot believe how did it happen. I'm sure all of you saw the videos and pictures and news about what happened on the election day," ani Kim.
"Yet parang ginawa tayong bulag. How did it happened? Why is this happening? How did we let it happen? Do we even deserve this?" tuloy-tuloy na tanong ng aktres.
Gayunman, sinabi niyang proud pa rin siya sa kaniyang pagtindig at malinis umano ang konsensya niya.
"Basta ako proud akong tumindig at malinis ang konsenya ko," anang aktres.
Sa parehong Instagram story, ibinahagi rin niya na ang kaniyang mensahe para kay Vice President Leni Robredo.
"I am with you ma'am. We are all with you. I know you are tired, tao lang po kayo. ang dami nang tumatakbo sa isip nyo yet you are not giving up for all of us. Yung pag asa at lakas ng loob na binibigay nyo sa amin. Sobra po. Napaka strong nyo po. Mahal namin kayo maam. Proud kaming tumindig para sayo at para sa pag-asa na makakamtan sana ng Pilipinas," saad ni Kim kalakip ang candid shot ni Robredo sa kaniyang thanksgiving gathering na naganap noong Biyernes, Mayo 13.
Kaugnay nito, sa naganap na thanksgiving, sinabi ni Robredo na ipagpapatuloy niya ang Angat Buhay program ngunit ito ay magiging Non-Government Organization o NGO na magsisimula sa Hulyo 1, pagkatapos ng kaniyang termino bilang bise presidente sa Hunyo 30.