Wala pang planong itaas muli ng gobyerno ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) alert level sa bansa sa kabila ng banta ng Omicron BA.2.12.1 sub-variant.

"We still follow our criteria for our alert level system, walang mababago dahil in place na po ang ating mga safety standards. In place na po ang criteria for alert level system. Kung saka-sakali na magkaroon tayo ng pagtaas ng kaso sa mga lugar sa Pilipinas dun po tayo magkakaroon ng basehan kung itataas at hindi," pagbibigay-linaw ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Sabado. 

Sa ngayon aniya, pinag-aaralan na ng DOH ang mgakatangian ng Omicronsub-variant.

Sa nakaraang pagsusuri, mabilis umanong makahawa ang BA.2.12.1 kaysa sa Omicron variant ng Covid-19. Gayunpaman, hindi pa naman daw malala ang inilalabas nitong sintomas.

Eleksyon

SP Chiz matapos ang eleksyon: 'Oras na para isantabi ang pulitika!'

"It is about 23-27% more transmissible than the original omicron. Sinasabi rin na nakaka-escape siya ng immunity natin brought about by vaccine pero wala pang pag-aaral na nagiging severe ang mga kaso nitong variant na ito," anito.

Kaugnay nito, umapela pa rin si Vergeire sa publiko na sundin pa rin ang ipinaiiral na health protocols upang maiwasang lumaganap ang sakit.

Sa datos ng DOH, umabot na sa 77 milyon ang bakunado laban sa Covid-19 sa bansa.