Hindi na napigilan ng komedyante-TV host na si K Brosas na pumalag sa mga basher at trolls na paulit-ulit na inaatake siya online.

Sa isang tweet sinagot ni K ang tanong ng basher nito na "Buti naman at nagkaka-project ka pa?" Sinundan naman ito ng paglatag ni K ng mga gagawin niya tulad ng mga performance shows at television hosting.

"Oo naman, dami nga labada eh, may corporate show ako tom pakkaattaappooss may mall show sa robinson’s east sa sun pakkaattaappooss mon to fri lakwatsika 11am pakkaattaappooss sing galing mon/tues/thurs 6:30 pm pakkaattaappooss soon sing galing kids every saturday sa tv 5," ani K.

National

Castro sa pag-acquit kina Enrile sa plunder: ‘Sino mananagot sa nawalang pondo ng bayan?’

https://twitter.com/kbrosas/status/1525111435507814400?s=20&t=VH5INEoY6OERucA0BkqdXg

Sinundan naman niya ito ng isang tweet bilang isang 'general' reply sa mga trolls at bashers na umaatake sa kanya.

Aniya, "Katawa na lang talaga mga trolls o bashers, hindi ko na kasalan kung di kayo nanonood ng tv ok lang yon pero di nyo talaga ugali mag fact check ano??"

Dagdag pa niya, hindi niya sasagutin sa reply section ang mga trolls at bashers kaya ii-screenshot niya na lamang ito. "At di ko kayo sasagutin sa reply kaya screenshot lang, mangisay kayo na dimunyu! lol!"

Samantala, handa naman si K na tumulong sa Angat Buhay NGO, na pangungunahan ni Bise Presidente Leni Robredo sa Hulyo 1.