Tinitingnan ng Commission on Elections (Comelec) na mabigyan ng karagdagang honoraria ang mga miyembro ng electoral board (EB) na nag-overtime noong halalan noong Mayo 9 dahil sa mga faulty vote counting machines (VCMs).

Sa press conference nitong Biyernes, Mayo 13, sinabi ni Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco na hinihintay nila ang resolusyon at pinal na pag-apruba sa panukala, na dapat dumaan sa Commission en banc, para sa mga guro at kawani na itinalaga ng Department of Education (DepEd) na mga EB.

Ang mga EB ay binubuo ng isang tagapangulo, isang klerk ng botohan, at isang ikatlong kawani.

"As to the number po, it will be based on the reported issue or officially reported electoral boards who have encountered the issues. Idadamay na rin po namin dito ‘yung DepEd supervising officer at support staff," saad ni Laudiangco. .

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, hindi umaalis sa EBs at polling precincts ang DepEd supervisor officials (DESO) at ang support staff nang magkaroon ng problema.

Ang karagdagang honoraria, aniya, ay bubuwisan sa ilalim ng batas.

"The taxation law states that ‘yung mga ganitong bagay ay income at pagka kinonsider po na income, meron pong tax," ani ng tumatayong tagapagsalita ng Comelec.

Nakasaad sa Comelec resolution sa karagdagang honoraria na 1,800 VCM at SD (Secure Digital) card ang nagkaroon ng problema, na nakaapekto sa 1,867 polling precincts.

Inabot ng 24 na oras ang ilang presinto bago matapos ang pagboto.

"We must ensure that the teachers and support staff, whose sacrifices during Election Day are unparalleled, are fairly compensated for the work done,” read the memorandum addressed to the en banc. “The teachers’ loss of time to rest and be with their families, as well as their loss of opportunity to find other sources of income, must be considered," nakasulat sa memorandum na hinarap sa en banc.

Ayon pa sa memo, ang pagkawala ng oras ng mga guro para magpahinga at makasama ang kanilang mga pamilya, gayundin ang pagkawala ng pagkakataon na makahanap ng iba pang mapagkukunan ng kita, ay dapat isaalang-alang.

Ang halaga para sa karagdagang honoraria ay tatalakayin kapag naaprubahan ang panukala.