Matapos kumalat ang impormasyong makakalaban siya ni Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa Speakership, kaagad na inendorsong dating Pangulo at ngayo'y incoming Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo ang una para sa nasabing puwesto.
“Majority Leader Martin Romualdez and I have been working together for decades in a joint effort to do our best to serve the Filipino people. Since 2010, our partnership involved our service as fellow members of the House of Representatives,” pahayag nitong Sabado ng umaga.
Kapwa miyembro ngLakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party sina Arroyo at Romualdez.“I will be returning to the House on June 30, 2022. I would therefore like to advise the members of the Lakas-CMD that I am throwing my support for Majority Leader Martin Romualdez to be elected as House Speaker in the next Congress. I urge all members of our party to do the same,” bahagi ng pahayag ng dating Pangulo ng Pilipinas.
Si Arroyo ay naging Speaker sa pagtatapos ng 17 Congress.
Sa isang thanksgiving dinner nitong Huwebes, inendorso ni presumptive president Ferdinand Marcos, Jr. si Romualdez para sa speakership.
Sina Marcos at Romualdez ay magpinsan.
Ellson Quismorio at Bert de Guzman