Kung maraming celebrity candidates na nagwagi sa naganap na halalan noong Mayo 9, marami-rami rin ang mga artistang hindi naman pinalad dito.
Kabilang sa mga ito ang tumakbong konsehal ng Olongapo City na si Optimum Star Claudine Barretto, na tumakbo sa tiket ng talent manager na si Arnold Vegafria, na hindi rin pinalad na magwagi.
Bagama't 'olats' o talo man sa halalan, ipinagmalaki ni Clau na isa siya sa 31M na bumoto sa tambalang BBM-Sara ng UniTeam. Matatandaang hayagang nagpakita ng pagsuporta ang aktres sa dalawa, noon pa mang panahon ng kampanya.
Ibinahagi ni Claudine ang isang screengrab na nakasaad na "I'm proud to say that I am one of 31 million who voted for BBM-Sara" mula sa BBM Youth Advocate.
Noong Abril 11, ibinahagi ni Claudine na siya ay maka-BBM gayundin ang kaibigan niyang TV host na si Janelle Jamer, na nagtanggol naman sa kaniya laban sa bashers.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/12/kandidato-ni-claudine-barretto-sa-pagkapangulo-bbm-po-ako/">https://balita.net.ph/2022/04/12/kandidato-ni-claudine-barretto-sa-pagkapangulo-bbm-po-ako/
Naisyu kasi ang pagbanggit niyang nilo-look up ng yumaong ex-boyfriend na si Rico Yan ang mga Marcos at Duterte, noon pa mang nabubuhay pa ito. Pumalag naman ang talent manager na si Noel Ferrer at tinalakan si Claudine na huwag daw gamitin ang nananahimik na pangalan ng yumaong aktor para sa pangangampanya.
Pumalag naman dito ang kapatid ni Rico Yan na si Tina Yan at nagparinig sa social media, na bagama't walang pinangalanan, ay ipinagpalagay na para kay Noel.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/17/utol-ni-rico-yan-sa-isang-film-producer-writer-just-leave-my-late-brothers-name-out-of-this-pathetic/">https://balita.net.ph/2022/04/17/utol-ni-rico-yan-sa-isang-film-producer-writer-just-leave-my-late-brothers-name-out-of-this-pathetic/
Ibinahagi naman ni Claudine ang pahayag ni Tina sa kaniyang Instagram post noong Abril 14.